Monday, May 28, 2012

Homiliya Salonga

Ho0o0o0o0oy!

Oo, ikaw nga. Busy ka ba? Ginto ba oras mo? Kung wala kang booking ngayon, at wala kang nakasched na gala, upo ko muna, pare. Saglit lang 'to.

Naranasan mo nang gumimik? Gumala? Maglasing? Pumarty all night till you drop? Kung hindi pa, whoa. Pwede ka nang sabitan ng medalya at gawan ng estatwa sa EDSA. Bihira na kasi sa panahon ngayon ang mga tulad mo. Pero dahil mabait ka, at sinungaling, ligtas ka. Dahil ang mga taong gumagawa ng mga bagay na nabanggit sa itaas ang paksa sa usaping ito.

Bata pa lamang ako nang namulat sa ganitong eksena sa paligid :

- Isang binatang nakasandal sa pader. Nakataas ang isang paa, pansuporta at nakasandal din sa pader. Nagyoyosi. *ubo ubo. *hithit. *dura. *ubo ubo. *hithit...
- Isang babae, nakatayo sa may bangketa. Hatinggabi. Tadtad ng make-up at kolorete ang mukha. Tila baga walang pang-ibaba na kasuotan sa sobrang ikli nito.
- Pulutong ng mga teenager. Mas marami ang mga lalaki kesa sa babae. Sa harap ng isang restobar. Enjoy na enjoy at wagas ang tawanan. Dis-oras ng gabi.
- Grupo ng kalalakihan. Nakabilog. Para bang may hinihithit na kung ano man. Masayang-masaya. Naka-shades lahat, parang goons ang dating. Alas-diyes ng gabi.

Ilan lamang 'to sa mga bagay na sadya namang nakapagpabago sa pananaw ko bilang binata. Hindi ako awtoridad sa paglilitanya dahil, *ehem, may ilan akong ginawa na talaga namang napakasarap kalimutan, at ikaiiyak ng aking guardian angel. Pero anu't anupaman, natitiyak ko, may pamilya ka ring tulad ko. Amaykorek?

Namimiss mo na ba ang mga magulang mo? Kase sa totoo lang, miss ka na nila eh. Di lang nila masabe, dahil busy at kubang-kuba na sila sa kakatrabaho para lamang may makain ka at may pang-aral ka, at sadyang busy ka din sa kakagala at kakalustay ng perang hindi naman sa'yo. Namimiss mo ba nung bata ka? Nung tuwang-tuwa ka pag pinupuntahan niyo yung lugar na may malaking bubuyog na kulay pula at magpapakembot kembot para lang maaliw ka? Eh ngayon ata, hindi ka na makasama pag niyayaya ka ng mga magulang mo eh. Masyado ka kaseng busy sa mga tropa mong always on-the-go, at trip na trip tumambay sa lugar na ang presyo ng isang kape at isang ticket sa moviehouse ay hindi nagkakalayo. Namimiss mo ba nung inaalalayan ka pa lang nila tumayo, at sa tuwing umaalis sila, umiiyak ka at tila waterfalls ang uhog mo? At eto pa. Kelan mo huling sinabi ang mga katagang, "I Love You!" sa mga magulang mo? Eh sa mga kapatid mo? Tila yata mas madalas mo pang sinasabi yan sa BABE slash HONEY slash SWEETHEART slash MAHAL mo eh.

Hihintayin mo ba yung panahong wala na silang ngipin para ngumiti at tumawa bago ka gumawa ng bagay na ika-sasaya nila? Hihintayin mo ba yung panahong kuba na sila at naka-wheelchair bago mo sila madala sa mga lugar na ni sa panaginip ay di nila nagawang puntahan? Hihintayin mo bang mawala ang mga magulang mo, bago ka magseryoso sa buhay, at itaguyod ang kinabukasan na buong buhay nilang pinaghirapan? Makakabawas ba sa pagkatao mo, parekoy, kung sa edad mong 'yan ay imbes na nasa bahay-aliwan ka at, uhurm, nag-aaliw, ay tumutulong ka sa pamilya mo? Kung mahal mo sila, at hindi mo pakikinggan ang mga pakshit mong kaibigan na nabuhay para hatakin ka sa daang ika-paririwara mo, gagawin mo. Hindi ba?

Pag-isipan mong mabuti..

*Magsitayo na ang lahat at ipahayag ang ating pananampalataya.

Sunday, May 27, 2012

Sa Pinilakang Tabing

In three.. two.... juan..

Heto na ang pinakahihintay mo! Pagkatapos ng ilan taong pagtyatyaga sa mga blogs na puro banyaga ang salita, meron ka nang mababasa na hindi magpapadugo sa ilong mo, makapagpapatawa, o kung di naman ay makapagpapaiyak sa'yo kung sadyang malambot ka, at hitik pa sa kaalaman!

Biro lang..

Ang blog na ito ay tungkol sa tipikal na nadarama at nararanasan ng isang peryodistang noypi. Disi-syete anyos. Bagong tuli nung 2006. Balibolista. Basketbolista. Aktibista. Rallyista. Batista. Mabuting anak at kapatid sa aking pamilya. Mabuting kaibigan. At talaga namang may takot sa Poong Maykapal. 0:)

Matutunghayan ang tamis ng pangako, pait ng pag-ibig, ang alat ng pagmamahal, at asim ng kilikili sa mga artikulong minadali at pinagtripan lamang gawin. Abangan ang mga kwentong may kiliti sa abs, makapagpapatibok sa iyong taba at tiyak na kapupulutan ng aral. (?)

Sari-saring istorya. Iba-ibang sitwasyon. Sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Maaaring pareho tayo ng kwento. Malay mo, di tayo nagkakalayo ng buhay. Depende sa'yo kung may matutunan kang aral. Tandaan, walang magandang kahit ano, sa taong sarado ang utak.. Sige na nga, pati na rin sa taong sarado ang mata.

Ano pang hinihintay mo? Simulan na ang palabas..

*drum roll..