Tuesday, July 10, 2012

Doctor Quek-Quek

*bell rings*

Haaay. Uwian na rin. Anim na oras akong nakaupo. Anim na oras ubo singhot ubo singhot and so on and so forth. Anim na oras pilit nakikinig sa mga prof. Preoccupied ako. Kung iyon ay dahil di ako nakajebs kanina, hindi ko alam. Siguro kung talaba ako, wag ka magugulat kung pagtayo ko, may bubulaga sa'yong perlas.

"Mag-iisang linggo na nung binalikan mo 'ko. Taon na rin ang bibilangin simula nang nagpasya kang lumisan. Bagama't luha at pighati ang kapalit, minarapat mo na lang na iwan ako at subukang hanapin ang sarili sa iba. Pero bakit ka pa nagbalik? Dahil ba muli ko nang nalalanghap ang sariwang hangin sa Metro Manila? Dahil ba wala na 'kong inaalala gabi-gabi sa aking pagtulog? Bakit ka pa bumalik? Bakit, Asthma?"

Dyahe. Sama pa rin ng pakiramdam ko. Pagkalabas ko ng gate, sakay agad ng jeep. Dagdag mo pa yung init na sagad hanggang singit. Tsaka yung usok galing sa mga sasakyan. Kawawa naman yung Ozone Layer. Di bale, mukhang maliit pa lang naman ang butas na nalilikha ng sandamakmak na polusyon sa hangin sa lahat ng parte ng mundo.

BABALA : ANG MGA SUSUNOD NA PANGYAYARI AY PAWANG KATOTOHANAN. KUNG HINDI KA MANINIWALA, KUMUHA NG PAPEL AT BALLPEN AT GAWAN NG 132-PAGE MOVIE REVIEW ANG THE AMAZING SPIDERMAN AT PANGATAWANAN NA MAS GWAPO SI ANDREW GARFIELD KAY TOBEY MAGUIRE.


Kakasakay ko lang ng jeep. Hindi ko alam ah, pero tila yata para sa midgets 'tong nasakyan ko. Masyadong mababa yung kisame! Yung ulo ko, nauuntog na sa hawakan. Tsk, dyahe talaga. Pagkabayad ko, may narinig akong tunog. Kala ko sa makina lang ng jeep. Hinanap ko kung saan nanggaling. Napatingin ako kay Lola. At take note, lahat ng pasahero nakatingin din sa kanya. At BOOM! Oo, tama ka sa hinala mo. Nagbombs away si Lola! Matindi! Isipin mo, kahit bukas ang bintana, nakulob pa din yung amoy. Lahat ng pasahero, pati ako, nagtakip ng ilong. At si Lola? Ayun, nakangiti.

( Wala naaaaaaaaaaaa!!! Sirang-sira na ang Ozone Layer!!! Wala na tayong magagawa!!! Matinding init na ang masasagap ng mundo! Kawawa naman ang sensitive iskin ko! !@#$%^&* )

At last, isang sakay na lang, bahay na. Oops, bumubulong yung sikmura ko. Hanap ako nang pwedeng malamon. Kahit puchu-puchu lang. Ayos, maagang nagbukas ng kanyang Quek-Quek Stand si Manong. Mainit-init pa ang mga bilog na kahel, at patung-patong pa ang mga ito, senyales na halos, uhurm.. kakabukas nga lang nito.

Hmmm! Naubos ko agad ang isang stick! Solb!

"Manong, bayad oh. Isang stick." ( Sabay abot ng singkwenta. )
"Pogi, wala ka bang barya?" ( Naks, thank you Manong! Etong isandaan oh. Keep the change! )

(Biro lang.)

"Uhm, eto ho bente." ( Abot ng bente. )
"Ay, wala pa rin akong panukli dyan eh. Bili ka muna ng palamig dun sa kanto, para mabaryahan."
"Sige ho."

Lakad ako nang kaunti. At nang kaunti. At nang kaunti pa. At medyo kaunti pa. Narating ko ang tindahan ng sago't gulaman. Yari, wala ring barya si Ate. Lumingon ako. Di ko na matanaw si Manong. At kaunting kembot lang, sakayan na ng traysikel. NagWorld-War III ang konsensya ko. At dahil ako ay pinalaking mabait at may takot sa Diyos ng aking mga magulang, at ako'y nag-aaral sa isang katolikong unibersidad.. HAH!....

"Boss, block 1 ho. Pakibilis."


EPILOGUE :


Sarado lahat ng pintuan. Sarado lahat ng bintana. Nakababa lahat ng kurtina. In case na huling post ko na 'to, sana nagenjoy kayo! Sana napasaya ko kayo sa aking maikling pamamalagi sa Blog World. Paalam!

Natatanaw ko na ang CIA sa labas ng bahay. Katabi ng mga nakaparadang tangke at bulletproof vehicles. At mukha na 'kong may tigdas na bubwit sa dami ng laser na nakatutok sa'kin.

Yikes. *sign of the cross.