Si Anton.
Disi-otso anyos. Matangkad. Wari bang pinaglihi sa kawayan, mas mataba nga lang siya ng konte. Panganay sa isa pa niyang kapatid. Si Johnson. Katorse. Medyo may kaliitan. Biniyayaan ng santimbang karunungan. Nagkataong gising siya nang nagpaulan ng dunong ang Poong Maykapal, habang humihilik pa ang kanyang Kuya. Ermat niya si Aling Kingking. Hinulma sa balde ang katawan. Hulmahan ng hulahoop ang katawan. Dalaga pa siya.. Noong Captain Barbell pa si Bistek. Huwag na huwag mo siyang kakantiin dahil... dahil.. Ah basta. Huwag mo siyang kakantiin. Kabiyak niya si Mang Ernesto. May edad na. Bagkus, hindi mo mahahalata dahil sa regular na pagpapakulay ng itim sa buhok nito. Kung anong taray at sungit ni Aling Kingking, ay siya namang bait at mahinahon ng asawa.
Kilala mo si Kat? Oo, si Kat. Yung cheerleader? Yung magaling sumayaw? Weh? Di mo kilala? Kahapon lang, namangha ang buong baranggay sa galing niyang sumayaw. Alam mo ba, kaya niyang ihagis yung baton niya 500 meters above sea level? Seryoso. Habang ginagawa niya yun, umiikot siya sa Welcome Rotonda nang naka-Human Ball. At huwag ka, tuloy pa rin ang daloy ng trapiko habang naghuhuman ball si Kat. Kahapon, dapat ihahatid ni Anton hanggang bahay si Kat eh. Kaya lang, sabi nang huli, hanggang sa kanto lang. Masunurin si Anton. Kaya hinatid niya sa kanto si Kat. Matapos magpaalam, umuwi na si Anton. Pero lumingon siya sa likuran. Kumakaway si Kat sa kanya. Sabay cartwheel hanggang bahay nila.
Simple lang yung pangarap ni Anton. Mabigyan ng mabuting pamumuhay ang pamilya, at mapang-asawa si Kat. Pero mukhang blurred ang nais niya. Malabo. Simpleng tao lang kasi siya. Simple manamit. Simple mag-ayos. Simple pumorma. Simple ang dating. Simpleng binatang may simpleng hangarin.
Si Anton.
Monday, June 25, 2012
Sunday, June 3, 2012
Sa Bingit Ng Isang Paalam
Mahal kita.
Nagsimula sa "Hello!" At "Pwede ka ba maging kaibigan?". Nagtuloy-tuloy sa minsanang pagkikita at talaga namang hindi sinasadya at pinagusapan. Coincidence? Hindi siguro. Sa lobby ng building kasi kami laging nagkikita. At pasukan at labasan namin kasi talaga ng mga estudyante yun. Kaya ayun, hindi pwedeng sabihin na tadhana ang may sala kung bakit kami nagtatagpo. Siguro kung sinuman ang may gawa ng sched namin, at sa guard na pinapapasok pa rin ako kahit wala akong ID (Hulog ka ng langit!), sila nga siguro ang may sala. Onga pala, salamat sa inyo!.. Singit na rin natin yung "Can I have your number?" Baka sabihin niyo, in denial pa 'ko eh.
Dumating yung time na mas naging close tayo. Syempre, gustong-gusto ko yun! Ewan ko lang ikaw. Minsan kasi, mahirap i-assume yung feelings ng babae eh. Masaya ngayon, tapos mamaya, malungkot. Parang bagyo lang. Pabugso-bugso. Pag tinanong mo naman kung may problema, "Wala." ang isasagot. Pag iniwan mo, hahabulin ka. Ano ba talaga teh?!?! Pero wala naman kaming magagawa. Babae kasi kayo eh. Dapat iniintindi sa lahat ng oras. Dapat pinaglalaanan ng oras. Dapat binibigyang halaga.
"Nasaan ang Gender Equality?"
Tanong ng maraming kalalakihan. Pero guys, sumagi na rin ba sa inyong isipan na sa realidad ng buhay, mas nagsasakripisyo ang mga babae? Na sila ang madalas na laging nahihirapan pagdating sa mga relasyon? Siguro sa puntong ito ng pagbabasa mo, nagugulumihanan ka kung ano ang gusto kong ipahiwatig. Ito lang 'yun. Pag nagmamahal ka, hindi mahalaga kung lalaki ka o babae. Ang importante, pareho kayong masaya. Pag hindi na kayo nag-eenjoy, at wala nang satisfaction na tinatawag, edi maghiwalay. Life goes on, dude. Move on. Tandaan mo, hindi titigil sa pag-ikot ang mundo para lang sa'yo. Kaya matuto kang bumangon at magsimula muli.
Sobrang sakit sa bangs lalo na pag unrequited love. Fvckthisshit to infinity and beyond talaga yung feeling. Sabagay, sabi nga nila, di mo naman mapplease lahat ng tao eh. May ilan talaga na magrereject sa'yo all your life. At di lang yun, sasaktan ka pa indirectly. Without them knowing it. Alam kasi nila yung kahinaan mo eh. At hangga't patuloy mo silang hinahayaan gawin yun sa'yo, di talaga sila titigil. Tama ba?
Ayoko na. Siguro nga sobra na. Kahit sinong martyr ata papatigilin ako sa kung anumang pinagdadaanan ko eh. Mahirap magpaka-robot. Lalo na kung tao kang may emosyon, at hindi dapat nagpapakontrol sa ibang tao. Tao rin ako. Nasasaktan. Nagagalit. Nagdaramdam. Pero once na umabot na sa sukdulan, pasensyahan tayo. Susuko ako kung kinakailangan. Masakit na eh. For once, sana lang maintindihan mo. Alam kong di mo kayang umintindi kasi all this time, ako yung gumagawa nun.. Kaya.. For the last time..
Mahal kita.
Nagsimula sa "Hello!" At "Pwede ka ba maging kaibigan?". Nagtuloy-tuloy sa minsanang pagkikita at talaga namang hindi sinasadya at pinagusapan. Coincidence? Hindi siguro. Sa lobby ng building kasi kami laging nagkikita. At pasukan at labasan namin kasi talaga ng mga estudyante yun. Kaya ayun, hindi pwedeng sabihin na tadhana ang may sala kung bakit kami nagtatagpo. Siguro kung sinuman ang may gawa ng sched namin, at sa guard na pinapapasok pa rin ako kahit wala akong ID (Hulog ka ng langit!), sila nga siguro ang may sala. Onga pala, salamat sa inyo!.. Singit na rin natin yung "Can I have your number?" Baka sabihin niyo, in denial pa 'ko eh.
Dumating yung time na mas naging close tayo. Syempre, gustong-gusto ko yun! Ewan ko lang ikaw. Minsan kasi, mahirap i-assume yung feelings ng babae eh. Masaya ngayon, tapos mamaya, malungkot. Parang bagyo lang. Pabugso-bugso. Pag tinanong mo naman kung may problema, "Wala." ang isasagot. Pag iniwan mo, hahabulin ka. Ano ba talaga teh?!?! Pero wala naman kaming magagawa. Babae kasi kayo eh. Dapat iniintindi sa lahat ng oras. Dapat pinaglalaanan ng oras. Dapat binibigyang halaga.
"Nasaan ang Gender Equality?"
Tanong ng maraming kalalakihan. Pero guys, sumagi na rin ba sa inyong isipan na sa realidad ng buhay, mas nagsasakripisyo ang mga babae? Na sila ang madalas na laging nahihirapan pagdating sa mga relasyon? Siguro sa puntong ito ng pagbabasa mo, nagugulumihanan ka kung ano ang gusto kong ipahiwatig. Ito lang 'yun. Pag nagmamahal ka, hindi mahalaga kung lalaki ka o babae. Ang importante, pareho kayong masaya. Pag hindi na kayo nag-eenjoy, at wala nang satisfaction na tinatawag, edi maghiwalay. Life goes on, dude. Move on. Tandaan mo, hindi titigil sa pag-ikot ang mundo para lang sa'yo. Kaya matuto kang bumangon at magsimula muli.
Sobrang sakit sa bangs lalo na pag unrequited love. Fvckthisshit to infinity and beyond talaga yung feeling. Sabagay, sabi nga nila, di mo naman mapplease lahat ng tao eh. May ilan talaga na magrereject sa'yo all your life. At di lang yun, sasaktan ka pa indirectly. Without them knowing it. Alam kasi nila yung kahinaan mo eh. At hangga't patuloy mo silang hinahayaan gawin yun sa'yo, di talaga sila titigil. Tama ba?
Ayoko na. Siguro nga sobra na. Kahit sinong martyr ata papatigilin ako sa kung anumang pinagdadaanan ko eh. Mahirap magpaka-robot. Lalo na kung tao kang may emosyon, at hindi dapat nagpapakontrol sa ibang tao. Tao rin ako. Nasasaktan. Nagagalit. Nagdaramdam. Pero once na umabot na sa sukdulan, pasensyahan tayo. Susuko ako kung kinakailangan. Masakit na eh. For once, sana lang maintindihan mo. Alam kong di mo kayang umintindi kasi all this time, ako yung gumagawa nun.. Kaya.. For the last time..
Mahal kita.
Friday, June 1, 2012
Galimgim
“Tabi! Tumabi kayo d’yan!”
Mistula siyang isang basang sisiw habang tinatahak ang kahabaan ng makipot na eskinita. Mas masikip sa pagkakataong iyon dahil nagkalat ang mga nagbebenta ng pirata at kung anu-ano pang anik-anik na sinasabit sa katawan. Tanghaling tapat noon. Ngunit tila namamanhid sa yelo ang mga binti ng kawatan. Lumingon siya sa kanyang likuran. Parami na nang parami ang mga humahabol sa kanya, pati na rin ang mga usisero.
“Ay putang—“ Nagkalat ang taho at sago sa bangketa. Nagtumbahan na rin ang ilang estante ng mga damit, sapatos, Power Rangers, Captain Barbel, Barrel Man, mga pangkulam, at gamot sa kulam.
“Pasensya na! Ayaw niyo ho kasi tumabi eh.”
Pahaba nang pahaba ang kalye. Ilang kilometro na rin ang kanyang natakbo. Halos isang oras na siyang hindi tumitigil. Muli, tumingin siya sa kanyang likuran. Wala na ang mga parak na humahabol sa kanya, maging ang magtataho, ilang tindero, aso, at ilang tambay na nakisali na rin sa eksena. Pasado alas-dos na noon. Daglian niyang pinunasan ang pawis gamit ang damit na iisa na lamang ang manggas. Tinahak niya ang daan pauwe.
“Andito na ‘ko.”
Si Carding. Trenta’y dos anyos. Tama lang ang taas, gayon din ang bigat. May malaking tato sa likuran na ang nakalagay ay “Make Love, Not War”, at mukha ni Bob Marley sa kanang dibdib. Hindi nakapagtapos ng highschool. Biktima ng child abuse nung kabataan niya. Nambiktima ng menor de edad nung nagbinata.
“Mano po, itay. Mukhang pagod na pagod po kayo ah? Kumusta po ang trabaho? Kumain na po ba kayo? Teka lang ho’t ikukuha ko kayo nang maiinom.” Kakatapos lamang magsampay ni Rosa. Katorse anyos pa lamang bagkus sagana na ang kaalaman pagdating sa gawaing bahay.
“Sige anak, salamat. Ang Ate Lyda mo?”
“Nasa kwarto po ‘tay.” Dumiretso na sa kusina ang bata.
Inilapag niya ang isang Blackberry Curve, Ipad at ilang mamahaling alahas sa mesa. Pagkalipas ng ilang sandali, lumabas ng silid si Daisy, ang maybahay ni Carding. Hindi katangkaran. May buhok na aabot hanggang sa siko. Bagama’t trenta anyos na’y taglay pa rin nito ang hubog ng katawan ng isang disi-otsong dalaga. Tangan nito ang dalawang maleta at isang plastic ng kolorete atlipstick.
“Sa’n ka pupunta?” Gulat na tanong ni Carding.
“Wala kang pakialam.” Ni hindi makatingin si Daisy sa mata ng asawa.
“Sa’n nga?!”
“Kahit saan! Basta’t makalayo lang sa impyernong bahay na ‘to!”
“Teka teka. Ano bang problema ha, Daisy?”
“Magmula nang nagsama tayo, wala nang nangyaring maganda sa buhay ko! Iyon ang problema, Carding!
“Magagawa mong takasan ang mga nakaatang na responsibilidad mo sa pamilya mo? Bilang ina sa mga anak natin? At bilang asawa ko?
“May natitira pa bang matinong dahilan para manatili sa bahay na ‘to? Wala na, Carding!
“Ako! Ang mga anak natin! Kami ang pamilya mo, Daisy. Hindi pa ba sapat na rason ‘yon?!
Lumabas ng kwarto si Lyda dahil sa ingay na narinig. Nang makita niya ang kapatid na nakatanga habang hawak ang isang basong tubig, lumapit siya upang yakapin ito. Takot at nanginginig ang magkapatid dahil sa nasasaksihang away ng kanilang mga mahal sa buhay.
“Ayoko na. Aalis na ‘ko.”
“At saan ka pupunta? Doon sa kabit mong mayaman? Bakit, Daisy? Hindi ko ba nasosolusyunan ang karnal mong pagnanasa?
Hindi na napigilan ni Daisy ang naguumapaw niyang emosyon. Sa isang kisapmata’y lumagpak sa pisngi ni Carding ang kanyang palad. Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.
“Marahil naging manhid ka sa mga pangangailangan ko. Hinanap mo ang sarili mo sa kawalan. Pilit mong hinahanap ang katotohanan sa karimlang kailanma’y hindi matatanglawan ng dahas. May pangarap ako para sa mga anak natin, Carding. Gusto ko silang bigyan ng magandang buhay na ni minsan ay hindi mo hinangad para sa kanila!
“Putangina Daisy! Hindi sa lahat ng oras, susuwertehin tayo sa buhay. Nagkataon lamang siguro na malas tayo sa pagkakataong ito. At sa tingin mo ba, hindi ako nagpapakahirap para iahon mula sa pagdarahop ang pamilyang ‘to?!" Kinuha ni Carding mula sa mesa ang mga nakana at ipinamudmod sa asawa. “Eto ba ang gusto mo, ha? Ayan! Kunin mo na lahat!
“Hindi ko kailangan ‘yan! Dala ko na lahat ng pag-aari ko sa pamamahay na ‘to. Paalam, Carding..”
“Lahat ba ka’mo? Bakit hindi mo pa isama ang anak mo?!” Napatingin ang dalawa kay Lyda, na noon ay tila gustong kumawala sa bangungot na nasasaksihan. Pagkatapos ay tuluyan nang tinungo ni Daisy ang pintuan palabas ng kanilang tahanan.
Sa puntong iyon ay naghari ang katahimikan sa buong paligid. Ni walang gustong maunang bumasag sa naturang eksena. Makalipas ang ilan pang minuto, minabuti nang magsalita ni Lyda.
“I-tay, ano’ng ibig sabihin nu’n?" Garalgal pa ang boses ng dalaga.
“Wala, Lyda.” Umupo si Carding, hindi pa alam ang mga susunod na hakbang.
“Ampon ba ‘ko, ‘tay?”
Nang hindi kumibo ang kanyang ama’y tumakbo siya palabas, hindi nagawang lumingon, at tumungo sa kung saanman, maibsan lamang ang nagkukumawalang damdamin. Hindi na siya nagawang habulin pa ng ama. Ubos na ang lakas nito dahil sa pagod at tension na nadarama.
“Ricardo Dimasupil?” Isang grupo ng pulis ang sumugod sa bahay nila Carding, kasama ang kanyang mga ninakawan at biniktima, kasama na rin ang magtataho.
“Ako nga ho. Bakit ho?” Balisa na ang itsura ng kawatan.
“Dinarakip ka naming sa salang pagnanakaw at paninira ng ari-arian. Sumama ka sa’min sa presinto.”
“Teka lang ho! Hindi ho pwede. Walang magbabantay sa anak ko! Rosa, anak!” Ni sa panaginip ay hindi niya inasahang mangyayari ang lahat ng ‘to sa isang iglap.
“Mamang pulis! Saan niyo ho dadalhin ang tatay ko? Huwag niyo ho siyang ikulong. Mabuti po siyang tao!” Pagmamakaawa ng inosenteng bata.
“Mga kasama, dalhin niyo na siya.”
“Rosa! Bitiwan niyo ‘ko mga putang ina n’yo! Wala ba kayong mga anak?! Ama din akong katulad niyo! Bitiwan n’yo ako! Anaaaaak!
“Itaaaayy!
Sa may durungawan, nakatitig sa kawalan si Rosa. Animo’y nawala na sa katinuan. Hindi niya alam kung babalik pa ang kanyang mahal na ina. Wala rin siyang ideya kung kailan uuwi ang kanyang ate. At hindi niya rin alam kung makikita niya pang muli ang kanyang ama’t ina.
Takipsilim na. Unti-unting nagpaalam sa sanlibutan ang araw. Kasabay nito, ang paglaho ng mga tawanan, halakhakan, magagandang ala-ala at mga pangarap na kung dati’y abot-kamay, ngayo’y sa panaginip na lamang matutunghayan.
Naalimpungatan si Rosa. May naririnig siyang alatiit sa kabilang kwarto. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding malapit sa altar. Alas-kwatro pa lang ng madaling araw. Marahan siyang bumangon at akmang lalabas ng silid nang narinig niyang humahalinghing ang kanyang ate. Kurtina lamang ang naghihiwalay sa dalawang kwarto. Bagama’t madilim, naaninag niya ang presensya ng isa pang tao. Isang lalaki. Imposibleng maging tatay niya iyon dahil mas maliit ito nang kaunti. Nagulantang siya sa ginagawa nito sa kanyang ate. Tinakpan niya ang kanyang bibig dala na rin ng pagkagulat. Bahagya siyang napaupo, di alintanang sa anumang oras ay may makakakita sa kanya.
“Salamat sa oras niyo, Mr. Santos. Sa susunod ho uli.” Masaya pa ito habang tinatanggap ang munting salaping kapalit ng kanyang buong dangal, tila isang batang walang kamuwang-muwang na binigyan ng lollipop sa halagang sampung piso.
Pasado alas-otso na nang nagising si Rosa. Tulad ng kanyang inaasahan, hindi niya nadatnan ang kanyang Ate Lyda. Magulo ang mga kagamitan sa sala, animo’y dinaanan ng bagyo. Muli, sumagi sa kanyang isipan ang naganap kaninang madaling araw. Patuloy siyang binabagabag ng pangyayaring tila hanggang ngayon ay kanya pa ring aktwal na nasasaksihan. Paglingon niya sa mesa, agad niyang nakita ang isang maliit na papel. Binuksan niya. Sulat-kamay iyon ni Lyda.
“Mahal kong kapatid, pansamatala muna akong magpapakalayu-layo. Gaya ng nararamdaman mo, masyado rin akong nasaktan sa mga nangyari. Gusto ko lang sabihin sa’yo na magpakatatag ka. Darating ang panahon na ako’y magbabalik. Mag-iingat ka lagi. Wala kang ibang sandigan sa mga ganitong panahon kundi ang Diyos. Magdasal ka, Rosa.”
Kalakip nito ay kaunting pera. Napayuko si Rosa, sinuri ang damdamin kung makakayanan niya pa bang bumangon sa kabila ng lahat ng nangyari. Pinilit niyang tumayo, iniwan ang salapi, tinungo ang kanilang bakuran, at sinundan ang kanyang mga paa sa kung saan man siya balak dalhin nito.
Kasabay ng paghalik ng sinag ng araw sa kanyang mukha at pagdampi ng hangin sa kanyang buhok, ay ang muling pagtulo ng kanyang luha. At sa pagkakataong ito, para siyang binagsakan ng langit at lupa.
“Oh, gamitin mo muna..” May nag-abot sa kanya ng panyo. Si Jake. Kalaro niya na ito simula nung mga bata pa lamang sila. Si Jake na laging siyang ipinagtatanggol sa mga umaaway sa kanya. Si Jake na handa siyang damayan sa oras ng kalungkutan. At ngayon, naririto siyang muli upang patahanin si Rosa, hindi dahil may nang-away sa kanya, bagkus dahil sa mabigat na dagok ng tadhana na kanyang tinatamasa.
“Salamat, Jake.” Napayakap na lamang ito sa kaibigan nang ‘di niya namamalayan. Naikwento niya sa kaibigan ang lahat ng nangyari sa kanyang pamilya.
“Kung makikita ko lang ulit sila, kahit man lang sa huling pagkakataon.. Alam mo minsan, gusto kong sisihin ang Diyos sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon. Bakit ako, Jake? Napakaraming taong nagsasaya sa mundo ngayon. Bakit hindi sila ang pahirapan ng Diyos?” patuloy pa rin ang pagluha ni Rosa.
“Sa pagmumuni-muni ko, napagtanto ko na hindi madaya ang buhay. Alam mo kung ano ang madaya? Iyon ay ang isisi sa Diyos lahat ng hindi magandang nangyayari sa buhay natin. Ang tao ay marupok, Rosa. Kung humiling tayo sa Kanya ay parang isa lamang batang nanghihingi ng kendi. Pero kapag binigyan ng pagsubok, magagalit tayo at isisisi lahat sa kanya. Ang tao ang may hawak sa buhay niya, hindi ang Diyos.” Paliwanag ni Jake.
“Dahil sa kawalan ng Diyos, hinanap ng pamilya ko ang mga solusyon sa problema nila sa ibang tao. Ngayon, nawala sila sa isang iglap. Ni hindi ko alam kung sino o ano ang paniniwalaan ko. Hinahanap-hanap ng sarili ko ang pag-aalaga ng isang pamilya. Ni sa panaginip, ‘di ko inakalang aabot sa ganito ang sitwasyon, naghiwalay ang aking mga magulang, at nagpakalayu-layo si ate. Minsan tuloy, sumagi sa isip ko na tanggalin na lamang ang natitirang pagmamahal sa puso ko. Tutal, wala na ang mga taong paglalaanan ko nito.”
“Wag kang mawalan ng pag-asa, Rosa. May mga taong may mas mabigat na pagsubok na kinakaharap ngayon. Binigay ito ng Diyos sa’yo dahil alam Niyang kaya mo itong lagpasan. Hayaan mong mas umigting muli ang natitirang pag-ibig diyan sa puso mo. Alam mo ba kung bakit nagtatapos ang isang relasyon? Kasi kapag umabot na sa puntong pagmamay-ari ka na ng isang tao, ititigil na niya ang mga bagay na ginawa niya noon para makuha ka.”
Sa may durungawan, nakatitig sa kawalan si Rosa. Nais niyang muling yakapin at hagkan ang kanyang pamilya. Sinasamsam niya ang bawat gunitang nakatatak sa kanyang puso’t isipan. Sampung taon na ang lumipas, ngunit sariwa pa rin sa kanyang balintanaw ang mga kaganapan noong araw na iyon. Bagama’t naibsan na ang pighating kanyang nararamdaman, nagsusumamo ang kanyang damdamin sa aruga ng kanyang mga mahal sa buhay. Subalit ang pagsubok na iyon ang mas nagpatatag sa kanyang loob. Natuto siyang manalig at magpasalamat sa Diyos. Nalaman niyang hindi dahilan ang kahinaan ng loob para tumigil sa pagharap sa mga pagsubok, bagkus gawin itong inspirasyon upang iangat ang sarili. Hindi kailanman nawala ang Diyos dahil sa lahat ng pagkakataon, nakaantabay siya at handang tumulong sa oras ng kagipitan.
“Handa na ang almusal, Rosa. Baka lumamig pa ‘to.” Nakangiting sabi ni Jake.
“Oo nga po, inay. Gutom na po kame eh, ‘diba ‘tay?” Si Lyda Mae. Ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.
“O siya, tara na’t kumain. Magdasal na tayo.”
Subscribe to:
Posts (Atom)