Sunday, June 3, 2012

Sa Bingit Ng Isang Paalam

Mahal kita.

Nagsimula sa "Hello!" At "Pwede ka ba maging kaibigan?". Nagtuloy-tuloy sa minsanang pagkikita at talaga namang hindi sinasadya at pinagusapan. Coincidence? Hindi siguro. Sa lobby ng building kasi kami laging nagkikita. At pasukan at labasan namin kasi talaga ng mga estudyante yun. Kaya ayun, hindi pwedeng sabihin na tadhana ang may sala kung bakit kami nagtatagpo. Siguro kung sinuman ang may gawa ng sched namin, at sa guard na pinapapasok pa rin ako kahit wala akong ID (Hulog ka ng langit!), sila nga siguro ang may sala. Onga pala, salamat sa inyo!..  Singit na rin natin yung "Can I have your number?" Baka sabihin niyo, in denial pa 'ko eh.

Dumating yung time na mas naging close tayo. Syempre, gustong-gusto ko yun! Ewan ko lang ikaw. Minsan kasi, mahirap i-assume yung feelings ng babae eh. Masaya ngayon, tapos mamaya, malungkot. Parang bagyo lang. Pabugso-bugso. Pag tinanong mo naman kung may problema, "Wala." ang isasagot. Pag iniwan mo, hahabulin ka. Ano ba talaga teh?!?! Pero wala naman kaming magagawa. Babae kasi kayo eh. Dapat iniintindi sa lahat ng oras. Dapat pinaglalaanan ng oras. Dapat binibigyang halaga.

"Nasaan ang Gender Equality?"

Tanong ng maraming kalalakihan. Pero guys, sumagi na rin ba sa inyong isipan na sa realidad ng buhay, mas nagsasakripisyo ang mga babae? Na sila ang madalas na laging nahihirapan pagdating sa mga relasyon? Siguro sa puntong ito ng pagbabasa mo, nagugulumihanan ka kung ano ang gusto kong ipahiwatig. Ito lang 'yun. Pag nagmamahal ka, hindi mahalaga kung lalaki ka o babae. Ang importante, pareho kayong masaya. Pag hindi na kayo nag-eenjoy, at wala nang satisfaction na tinatawag, edi maghiwalay. Life goes on, dude. Move on. Tandaan mo, hindi titigil sa pag-ikot ang mundo para lang sa'yo. Kaya matuto kang bumangon at magsimula muli.

Sobrang sakit sa bangs lalo na pag unrequited love. Fvckthisshit to infinity and beyond talaga yung feeling. Sabagay, sabi nga nila, di mo naman mapplease lahat ng tao eh. May ilan talaga na magrereject sa'yo all your life. At di lang yun, sasaktan ka pa indirectly. Without them knowing it. Alam kasi nila yung kahinaan mo eh. At hangga't patuloy mo silang hinahayaan gawin yun sa'yo, di talaga sila titigil. Tama ba?

Ayoko na. Siguro nga sobra na. Kahit sinong martyr ata papatigilin ako sa kung anumang pinagdadaanan ko eh. Mahirap magpaka-robot. Lalo na kung tao kang may emosyon, at hindi dapat nagpapakontrol sa ibang tao. Tao rin ako. Nasasaktan. Nagagalit. Nagdaramdam. Pero once na umabot na sa sukdulan, pasensyahan tayo. Susuko ako kung kinakailangan. Masakit na eh. For once, sana lang maintindihan mo. Alam kong di mo kayang umintindi kasi all this time, ako yung gumagawa nun.. Kaya.. For the last time..


Mahal kita.

3 comments:

  1. Everything always ends up right. So if everything is going wrong, then it's not yet the end :) Move on, bro! Life offers a lot more than this. Love will come at the right moment :)

    ReplyDelete
  2. OK lang yan best. Life goes on nga diba? wag ka magalala, alam kong ndi pa ngayon, pero someday, Legendary to infinity and beyond na ang status ng lovelife mo. I'm sure of it. Basta, I think, ang lesson lang dito ay, pag ayaw, wag mo ipilit. Andaming tao jan na nauuhaw sa pag-ibig tapos sa nagddiet mo ibibigay ung sayo. Fuckthismetaphor. LOL. basta un. Move on best. Melovesyou. yaan mo, andito naman kme ng mga GFFs mo e.

    ReplyDelete