Ang mga babae, moody.
Minsan, nakakairita lalo na kung masaya kayo, tapos bigla ka na lang tatarayan;
Halos buong araw kayong magkasama tapos pag-uwi niyo, bad mood na agad sa text;
Nagkukulitan lang kayo tapos sa isang iglap, gusto ka na niyang burahin sa mundo.
Magulo. Napakagulo. Di mo alam kung ano yung iisipin mo. Kung ikaw nanaman ba
yung may kasalanan, o kung may nagawa kang ikababadtrip niya. Iisipin mo kung
may sinabi kang hindi kanais-nais tungkol sa paborito niyang pagkain, hayop, o
kaya sa Chicser. Pero sa bandang huli, inosente ka. Nasa kanila pala ang
problema.
Ang mga babae,
masikreto. Kahit ang pinakatinatago-tagong kili-kili, o kaya ang kanilang high
school diary, sinisikreto nila. Lahat, hindi mo pwede malaman. Lalo na kung ang paguusapan ay ang
kanilang feelings. Kahit magpaka-Detective Conan ka, o kahit tawagin mo si
Sherlock, wala pa rin. Daig pa nito ang Yamashita's Treasure na kahit sa
panaginip ay hinding hindi mo matatagpuan o makukuha. Kung ibabahagi man nila
ang kanilang saloobin, malamang sa kapwa lamang nila babae. At syempre,
automatic na susumpa ang kanilang best friends sa Code of Silence. At
hindi ito aabot sa'yo. Imposible.
Ang mga babae, masyadong
mahigpit. "Dapat nakauwi ka na ng 7pm, ha?" "Kumain ka three
times a day!" "Wag ka magpapagod, ha?" Ang tindi. Daig pa ang
nanay mo. Minsan, nakakairita na. Lalo na kung nagcocomputer ka, o kaya Basketball
with your friends. Kulang na lang ay bigyan ka ng To-do list araw-araw eh, o
kaya naman ay mag-apply na personal yaya mo.
Ang mga babae, maarte.
Make-up dito, make-up doon. Foundation dito, foundation doon. Retouch maya't
maya. Akala mo palaging may pictorial sa isang fashion magazine. Nasa bahay
lang, pero ang getup, 'kala mo endorser ng F&H. Lalo na kung
nagshashopping? Aysos! Ang siste, kasama ka pa. BIG MISTAKE, DUDE. Ayos yan,
pag-uwi niyo, Bandila na, or worse, Lupang Hinirang.
Ang mga babae, sobrang
clingy. Every now and then, itetext ka. Papaalalahanan ka na dapat kumain ka sa
tamang oras, at maligo nang 14 na buhos. Tiyak ang paalala. Walang mintis. Hindi sila sasablay
pagdating sa kung anong dapat mong gawin, minu-minuto, oras-oras, araw-araw.
At eto pa, halimbawa nag-date kayo. Sigurado ako, hindi pa natatapos yan pag-uwi nyo.
Itetext at itetext ka pa nyan hanggang sa makatulog siya. Akala mo hindi kayo
magkasama nang isang buong araw. Daig pa ang tuko sa pagka-clingy. Lakas.
Pero, subukan nating
suriin ang ilan sa mga kaugaliang ito ng mga babae, at tignan ang ilang konteksto
mula sa ibang perspektibo. Ika nga eh, "Read between the lines."
Moody ang mga babae
kasi, tulad mo, may mga problema at pinagdadaanan din sila. Personal at pansariling
problema na marahil hindi nila maibahagi sa mga lalaki dahil hindi nila ito
maiintindihan. Bilang babae, marami silang dapat pagtuunan ng pansin at
responsibilidad na pinanghahawakan. Tao din silang may mga pinagdadaanan sa
buhay. Problema sa bahay, sa pamilya, o kaya sa pag-aaral. Kung ikukumpara ang
problema ng mga lalaki sa problema nila, walang-wala. Sobrang walang-wala.
Subukan mo kayang datnan at tumanggap ng buwanang dalaw? At eto, subukan mo
kayang mabuntis at magdalantao sa loob ng halos siyam na buwan? Ano, kaya mo?
Minsan kasi, sariling kapakanan lang natin yung iniisip natin. Wala tayong
pakialam kung anong nararamdaman ng mga kababaihan. At wala rin tayong ideya na
bagama't may mga ngiti sa kanilang mga mukha, nagdurugo at umiiyak naman ang
mga puso nila.
Masikreto ang mga babae
kasi, alam nila na hindi maiintindihan ng kung sino man ang pinagdadaanan nila.
Likas sa kanila ang maging malihim. Tulad ng sinabi ko sa itaas, dapat
laging read between the lines. Kapag sinabi nilang, "Okay
lang ako." Wag na wag mo silang sasagutin ng, "Ayun naman pala eh.
Sige. Candy Crush muna 'ko." At kapag tinext ka naman nila ng,
"Bahala ka," hindi pwedeng replyan yan ng, "Oh yeah! Sige, text kita
mamaya! Dota all the way!" READ BETWEEN THE LINES. Hindi
lahat ng naririnig mo, totoo. At hindi lahat ng nakikita mo, dapat mong
paniwalaan.
Masyadong mahigpit ang
mga babae kasi, likas silang maalalahanin. Lahat gagawin nila para sa mga taong
mahal nila. Dahil ang alam nila, iyon ang tama at ang dapat nilang gawin bilang isang babae. Mahilig silang magsakripisyo. Tipong maglalaan sila ng oras para lang sa
mga taong hindi naman nila kadugo. Ayos lang sa kanilang itext ka maya't maya
para kumain. Ayos lang din sa kanilang matulog ng ala-una nang madaling
araw para lang hintayin kang makauwi. At ayos lang din na magpaka-nanay sila
dahil ang hangarin nila ay walang pinagkaiba sa mga ina : ang mahalin at
alagaan ang mga taong malapit sa kanilang mga puso.
Maarte ang mga babae
kasi, gusto nilang maging maganda sa paningin ng mga mahal nila sa buhay.
Sobrang tagal sa banyo, ilang oras ang nilalaan sa pagmemake-up, lahat para
lang maging presentable ang kanilang mga itsura. Lahat ng pagpapaganda, gagawin
nila para hindi na tumingin sa iba si BF. Pero dear girls, marahil na-overlook niyo ang
isang importanteng bagay : simplicity. Ika nga eh, "Simplicity never
fails." Hindi alam ng mga babae na hindi mahalaga sa mga lalaki ang
"looks"... Well, sa ibang lalaki. Pero majority, sigurado ako,
naiirita sa makapal na make-up(feeling espasol), masyadong materialistic na
attitude at medyo sossy-type na pag-uugali. Seriously speaking, iba ang aura
kapag simple. Makalaglag-brief ang dating.
Sobrang clingy ang mga
babae kasi, sobra din sila kung magmahal. Gaya ng mga ilang nabanggit sa itaas,
likas rin ito sa kanila. Karaniwan, sa isang magkarelasyon, mas clingy ang
babae. Pero don't get me wrong, hindi porket clingy, mas mapagmahal. May iba pa
din kasing paraan para ipakita ang pagmamahal sa isang tao bukod sa pagiging
clingy. Wala silang ibang hangad kundi ang kapakanan ng mga mahal nila sa
buhay. Madalas, kahit magmukha silang tanga, ayos lang. Ganun sila magmahal eh.
Walang pakialam kung nasasaktan na sila, at kung ilang luha na ang tumutulo.
Ang importante, maipakita nila yung nararamdaman nila.
Magulo man at mahirap
silang intindihin paminsan-minsan, hindi pa rin ito sapat na rason para saktan
at iwan sila. Sa kabila ng lahat ng kapintasan nila, dapat pa rin silang
respetuhin. Tandaan, ang mga babae ang dahilan kung bakit tayo nandito sa mundong ating
ginagalawan. Kaya dapat natin silang suklian ng pagmamahal na karapat-dapat na
para sa kanila. Minsan lamang sa buhay natin na may darating na magmamahal at
magaalaga sa atin. Yung hindi tayo iiwan at sasaktan. At kapag dumating na yung
panahong iyon, dapat handa tayong ibigay ang lahat. Pati ang buhay natin. Dahil
iba ang tunay na pag-ibig. Iba ang TL.
Astig magmahal!
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteWell-said. :)
ReplyDelete