Usap-usapan
nanaman kanina sa opisina ang hinihinalang pagkasangkot ni Gov sa isang
insidente ng gun-smuggling sa Naic. Bagsak ang turismo ng Tagaytay dahil sa
lumalalang epidemya na tila wala nang lunas, ayon sa karamihan. Patuloy rin ang
pag-kidnap sa mga batang palaboy sa Imus upang pagkakitaan ang kanilang
laman-loob.
Pinatay niya ang TV. Bahagyang
nasubunutan ni Gov ang sarili. Napabuntong-hininga. Marahang tumayo sa
kinauupuang sofa at binunot sa ilalim ng mesa ang nakakabit na kalibre. 45.
Matapos siguraduhing puno ang magasin nito, agad niyang tinahak ang lihim na
pasilyo patungo sa basement ng
kanyang mansyon.
Hindi niya na ipininid ang pinto.
Unang putok. Lumaki ang kaninang maliit na siwang ng pintuan. Akmang
kakalabitin niyang muli ang gatilyo..
“O Gov, ang aga niyo sa range ngayon ah?”
No comments:
Post a Comment