Mariin
niyang pinisil ang kanyang mga hita, pampatanggal kaba at tensyon kumbaga.
Tumayo at maingat na pinagpag ang makinis na Amerikana. Hindi niya namalayang halos
limang minuto na pala siyang nakatitig sa salamin.
“Pag sumikat na ‘ko, bibigyan ko ng
ticket sina Inay at Itay, pati na ang buong barangay namin!” batid niya sa
sarili.
“Sir Anthony, next na po tayo.”
Bumukas ang pulang tabing. Nagniningning
sa ganda ang malaking teatro ng Metropolitan. Libo-libong tao ang naglabasan ng
kanilang mga camera. Ngiti dito, ngiti doon. Kaway sa kaliwa, kaway sa kanan. Pumwesto
siya sa gitna at sinenyasan ang bawat grupo. Itinaas niya ang baton. Umpisa na
ang palabas.
Unti-unting nanumbalik ang realidad.
Ilang minuto na pala siyang nakatitig sa kawalan.
“Kuya, sabi ko po isang Cubao,
estudyante.”
No comments:
Post a Comment